Jomar Adaya

My blogs

About me

Gender Male
Industry Education
Occupation Guro
Location Quezon City, Philippines
Introduction Ang blog na ito ay naglalaman ng tula, dagli, sanaysay, pananaliksik at iba pa. Matagal ko nang gustong lumikha ng mga obra, subalit tila hinahatak ako ng mga pagkakataon upang ipagpaliban muna ito. Ang totoo, hanggang ngayon ay nasa yugto pa rin ako ng pagtuklas ng tinta, kung mayroon nga.. Pag-trip ko sumulat, sumusulat ako. Maswerte na pag may lumabas na tinta sa panulat ko. Kumbaga sa buwanang dalaw ng babae, madalas ma-delay. Minsan naman parang bolpen na nagtatae na walang direksyon at kalat-kalat ang mantsa. Bukod pa sa katotohanang late bloomer ang aking tinta. Buti na lang at may mga pwersa sa paligid ko na kumukutos at pumepektus sa ulo ko upang subuking maghanap ng espasyo kahit sa pinakamaliit na sulok ng mundo ng panulat. O kung hindi man, kahit sa labas ng mundong iyon. Ang mahalaga ngayon nakagawa ako ng blog na naglalaman ng TINTA ng aking HARAYA.