khalel

My blogs

About me

Gender Male
Occupation human being
Location navotas, Philippines
Introduction Hindi mo ako pag-aari, kung kaya't hindi mo akong kayang diktahan. Walang may hawak ng aking tinig kundi ako at ako lang Walang tali ang aking mga kamay, lalo na ang aking kamalayan Kung kaya't hahayaan ko itong pumayagpag Hindi mo ako pag-aari, walang sino man Walang ibang maglalagay ng titik sa aking mga sipi kundi ako lang Walang taong didighay sa kung anong wika ang aking isasambit Malaya ako, lalakeng pinagpaguran ang aking kalayaan Hindi mo ako pag-aari, magpahanggan pa man Walang maaring makapag-ari ng aking pagkatao Walang maaring makapagpigil sa kung ano ang aking gusto Walang sino man ang maaaring maniil sa indayog at ihip ng aking malay Ang isip mo ang lumikha na maari mong ariin ang iyong kapwa Sinundan ng lipunan at ng simbahan ang yapak ng iyong daan Hindi mo ba naiintindihan? Ako ay may kanyang isip at may kamalayan Hindi mo ako pag-aari, walang sino man.