Malayang Kaisipan (Asuntos Publico)
My blogs
Blogs I follow
| Introduction | Ako? Hindi ako. Kami…Kami ay mga ordinaryong kabataan…Tipikal na mag-aaral…Oo, iilan sa amin ay may angking talino (ang talas ng pag-iisip), nag-nunumero uno sa klase pero sa pangkalahatang aspeto –ordinaryo kami. Kami ay kabilang sa humigit kumulang 5 milyong kabataan na ngayon ay nangangarap…opo, kami ay may pangarap…ang ilan sobrang tayog, iba naman simple lang at ang iba pa nga kuntento na sa buhay ‘flames-flames’ lang…Hindi nga, pwera biro, kami ay mga kabataang patuloy na nagsusumikap para naman makatulong sa bayan…kami man ay may iba’t ibang ideyolohiya, karanasan, pangarap o pag-unawa sa mga nangyayari sa ating kapaligiran---ang aming mithiin ay iisa lang ---makabuo ng mga kabataang responsable at may paninindigan para sa bayan. |
|---|---|
| Interests | mga isyung may kaugnayan ang bayan...mga isyung patuloy na nagbibigay inspirasyon sa mga ordinaryong Pilipino na magsumikap sa kabila ng mga hamon na mayroon ang buhay....mga kwentong may interes o kahit walang interes pero pumupukol sa iba't ibang aspeto ng pamumuhay...mga balitang nagbibigay ingay sa ating pamayanan...mga ordinaryong diskurso ngunit may aral…kwento ko, mo, nating lahat kahit ano basta kwento...interesado kami niyan… higit sa lahat, kami ay naniniwala na ang ating mga pagsisikap ay magdudulot lamang ng magandang resulta kung ito ay nasa ilalim ng pag gabay ng Dakilang Maylikha…Si Bathala, si Allah, Yahweh, Jehovah, Diyos, Ama, Abba, o kahit ano pa mang pangalan ang itawag natin sa kanya siya ay gabay…inspirasyon, buhay at direksiyon…kumbaga, sa kabila ng mga pagod na aming binabata sa araw araw, sa siksikan na pilit naming kinakaya maka- scoop lang, maihatid at makuha ang balita siya ang tanging ligaya…ang katuparan ng aming mga pangarap…. |
| Favorite movies | ang sining at teatro ng tunay na buhay |
| Favorite music | malayang musika |
| Favorite books | kahit ano basta may-aral |

